About

Pinapagana ng Blogger.

About Me

About me

Followers

RSS

Isang Ugaling Dapat Manatili


Noon gustong-gusto ko ang palabas tuwing hapon. yun bang mga palabas na cartoons, mayroong looney toons, betty boop, felix the cat, tom and jerry at marami pang iba. Madalas din inaabangan ko ang Batibot, sina kuya bodgie at ate shena, ang perlas na bilog ni Manang Bola, at syempre sina kiko matching at pong pagong. Sa palabas na iyon marami akong natutunan, tulad ng magbilang, hanapin ang na-iiba at kagandahang-asal.

--- Pero sa pagdaan ng panahon nawala ang mga pambatang palabas na humuhubog sa kaisipan at sa social development ng isang bata. Pumalit ay sina Spongebob, Dora, Dexter Laboratory, Power Puff Girls, Anime at marami pang iba na hindi nagtuturo ng kaasalan sa batang Pilipino. Kaya naman kulang sa kagandahang asal ang ibang mga bata sa panahong ito. Isang patunay ay ng marinig kong murahin ng put** ng isang apat na taong gulang na batang lalaki ang kanyang kalaro dahil hindi ito napahiram ng laruan. Imbes na pagsabihan ay natuwa pa ang nanay nito. Bigla ko na lamang natampa ang noo ko, iniisip ko na asan na ba ang kagandahang asal na ipinamana ng mga nakakatanda? Nakakagimbal na katotohanan.

Modero na nga tayo, napapalibutan ng sari-saring makabagong teknolohiya. At kasabay nito ang unti-unti ring pagbaon sa ilalim ng lupa ang mga kagandahang asal na tinuturo ng mga matatanda noon. Kahit man lang sa panonood ng TV ay matutunan ng mga batang ito ang kahalagahan ng paggalang at pagrespeto sa mga nakakatanda. Adbans nga kung maituturing kung masasagot naman sa mga nakakatanda ay pabalang at akala mo eh alam na lahat. Nangangatwiran ng wala sa lugar, nagpapaliwanag ng pabalang, hindi ito maituturing na "cool" dahil hindi ito ang kultura at kaugalian natin.

--- Kung susumahin mahuhusay ang mga bata sa panahon ngayon dahil na rin sa mga quick access sa lahat, mapa-internet man o sa mga latest gadget ngunit nakakalungkot na bagamat adbans ang mga bata sa lahat ngayon tila nawawala ang mabuting kaasalan ng iba. Nakakalungkot at nakakatakot dahil hindi lamang ang lumang kaugalian ang nawawala kung ang kulturang Pilipino na pilit pinayayabong ng ibang tao. Ang kagandahang asal tulad ng paggalang at pagrespeto sa matatanda ay isang senyales ng pagiging angat nating mga Pilipino sa ibang mga lahi. Ngunit nakakalungkot dahil unti-unti na ring nababahagian ng kaasalan ng ibang lahi ang nababaon na sa limot ang sariling atin.

Napakalawak at napakabigat na usapin ito. Ngunit ang saganang akin lang naman ay sana bagama't umaangat tayo mapanatili pa rin ng mga nakakantanda ang kaugaliang Pilipino, maipasa sana nila ang mabuting ka-asalan sa mga nakakabata dahil isa ito sa itinatangi ng ibang lahi sa atin.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS